^

Metro

Riding in tandem supilin na -- DILG

-

MANILA, Philippines - Dahilan sa patuloy na pagtaas ng kriminalidad na kinasasangkutan ng riding in tandem, inatasan ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo ang Philippine National Police (PNP) na tuldukan ang naturang uri ng kriminalidad partikular na sa Metro Manila. Ito’y matapos na maalarma si Robredo sa tila walang takot na paglabag sa batas hinggil sa pamama­yagpag ng riding in tandem na nasa likod ng mga krimen. Sa kaniyang direktiba kay PNP Chief Director General Ni­canor Bartolome, inutos nito ang paglalabas ng ‘assessment report’ hinggil sa pagtugon ng kapulisan sa problema sa riding in tandem na mga kriminal.

Sa tala, umaabot sa 1,700 insidente ng kriminalidad ang kinasangkutan ng riding in tandem mula Enero hanggang Setyembre 2011 kumpara sa naitalang 1,565 insidente no­ong nakalipas na taon. Bilang reaksyon, sinabi na­­man ni Bartolome na pina­lakas ng PNP ang pagsupil at pagbi­bigay solusyon sa kri­minali­dad sa pamamagitan ng imple­mentasyon ng Police In­te­grated Patrol­ System (PIPS) at deployment ng Motorized Anti-Street Crime Operatives (MASCO). (Joy Cantos at Ricky Tulipat)

BARTOLOME

BILANG

CHIEF DIRECTOR GENERAL NI

JOY CANTOS

METRO MANILA

MOTORIZED ANTI-STREET CRIME OPERATIVES

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

POLICE IN

RICKY TULIPAT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with