^

Metro

Pagbasa ng sakdal kay RJ Revilla, naudlot

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Hindi natuloy ang pagbasa ng sakdal o arraignment sa 18-anyos na si Ramon Joseph Bautista-Revilla kaugnay ng pagiging utak umano sa pagpatay sa kanyang kuya Ramgen kahapon ng umaga sa Parañaque City Regional Trial Court.

Ito’y makaraang pagbig­yan ni Parañaque RTC branch 274 Judge Fortunito Madrona ang hirit ni Atty. Dennis Manzanal, abogado ni RJ, na resolbahin muna ng korte ang isinumite nitong “motion to quash” bago magsagawa ng arraignment.

Matatandaan na isi­numite ni Manzanal ang motion to quash kung saan kinuwes­tiyon nito ang legalidad sa pag-aresto ng Parañaque po­lice kay RJ na umano’y iligal. Ito ay matapos rin na pumayag ang kanilang kampo na huwag nang isailalim sa preliminary investigation si RJ kaya diretsong naisampa ang kasong murder at frus­trated murder sa sala ni Judge Madrona.

Muli namang itinakda ni Judge Madrona ang pagdinig kung babasahan na ng sakdal si RJ sa Enero 17 kung saan reresolbahin muna ang usapin sa mosyong isinampa ni Manzanal.

Naiakyat na rin sa sala ni Madrona ang kaso laban kina Roy Francis Tolisora at Michael Jay Nartea, ang da­lawang itinuturong gunman na pumaslang kay Ramgen.

CITY REGIONAL TRIAL COURT

DENNIS MANZANAL

JUDGE FORTUNITO MADRONA

JUDGE MADRONA

MANZANAL

MICHAEL JAY NARTEA

RAMGEN

RAMON JOSEPH BAUTISTA-REVILLA

ROY FRANCIS TOLISORA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with