3 katao sugatan sa holdap

MANILA, Philippines - Tatlo katao na kinabibilangan ng dalawang menor de edad ang malubhang na­ sugatan nang tamaan ng ligaw na bala makaraang walang habas na magpaputok ng baril ang anim na holdaper na pawang riding in tandem makaraang hol­dapin ang isang 70-anyos na lolo, kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang mga sugatan na sina Marvin Aragon, 20; Christian Villanueva, 14 at Rosalyn Mayrina, 14.

Natangay naman sa biktimang si Lamberto Estacio, ng Lakandula St., ang gintong kuwintas na may pendant na nagkakahalaga ng P150,000 at gintong singsing na nagka­kahalaga ng 20,000.

Naganap ang insidente dakong alas-9:05 ng gabi sa may panulukan ng Wagas at Lakandula Sts. Tondo, Maynila.

Naglalakad umano ang biktima pauwi sa kanilang bahay nang hintuan ng mga suspect at magdeklara ng holdap, nang makuha ang pakay ay walang habas pang nagpaputok ng baril ang mga ito habang papatakas na nagresulta sa pagkasu­gat ng tatlong biktima.

Show comments