^

Metro

Gawaan ng pekeng DVDs sinalakay

- Nina Doris Franche at Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Sinalaka ng pinagsanib na elemento ng Manila Police District (MPD) at Optical Media Board (OMB) ang sinasabing DVD burning center na responsable sa pamimirata ng DVD kung saan nadakip ang isang lalaki kahapon ng umaga sa Quiapo, Maynila.

Iniharap nina OMB Chairman Ronnie Ricketts­ at Chief Insp. Mar Reyes, hepe ng Manila City Hall Public Assistance (CHAPA) kay Manila Mayor­ Alfredo Lim ang nasamsam na 44 dupli­cating machine, pitong tower computer, mga blangkong CD at apat na sako ng DVD gayundin si Wahab Sultan na sinasabing nangangasiwa sa ‘burning center.”

Ayon kay Reyes, nakatanggap umano ng impormasyon si Supt.Jimmy Tiu, hepe ng Criminal Investigation Division Unit (CIDU), kaugnay sa mga bahay na gumagawa ng mga piniratang DVDs sa may river bank ng Palanca St. Quiapo, Maynila na dito isinagawa ang raid.

Nalaman na sa kada isang minuto ay kayang gumawa ng 100 kopya ng DVD ang isang duplicate machine at nangangahulugan na nakakagawa ng 264,000 kopya ng piniratang DVD sa loob lamang ng isang oras ang 44 na duplicating machine.

vuukle comment

ALFREDO LIM

CHAIRMAN RONNIE RICKETTS

CHIEF INSP

INVESTIGATION DIVISION UNIT

JIMMY TIU

MANILA CITY HALL PUBLIC ASSISTANCE

MANILA MAYOR

MANILA POLICE DISTRICT

MAR REYES

MAYNILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with