^

Metro

Brgy. outpost niratrat: 2 patay

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Kapwa nasawi ang isang purok leader at isang barangay tanod habang nasa kritikal na kondisyon naman ang isang lolo nang pagbabarilin ang mga ito ng tatlong hindi kilalang kalalakihan na magkakaangkas sa isang motorsiklo sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot sina Esperedion Catudio, 49, purok leader ng Phase 3, Bagong Silang ng lungsod sanhi ng tama ng bala sa mukha, habang sa leeg naman ang tama ni Domenguito Marquez, barangay tanod ng nasabing lugar.

Inoobserbahan naman sa East Avenue Medical Center sanhi ng tama sa likod si Pascual Alvarado Sr., 71, isa ring barangay tanod ng nabanggit na lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naganap ang in­sidente dakong alas-9:00 ng gabi sa loob ng barangay outpost ng Phase 3, Bagong Silang, Caloocan City habang nanonood ang mga biktima ng telebisyon nang dumating ang mga suspek na magkakaangkas sa motorsiklo na hindi nakuha ang plaka.

Walang sabi-sabing pinaulanan ng bala ng mga suspek ang mga biktima. Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang mga suspek. 

Paghihiganti ang isa sa tinitingnang anggulo ng mga pulis dahil maraming napahuli at napakulong na mga pasaway si Catudio.

vuukle comment

BAGONG SILANG

CALOOCAN CITY

CATUDIO

DOMENGUITO MARQUEZ

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

ESPEREDION CATUDIO

INOOBSERBAHAN

KAPWA

PASCUAL ALVARADO SR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with