Killer ni Ramgen galit na galit - NBI

MANILA, Philippines - Galit na galit ang suspect sa pamamaslang kay Ramgen Revilla nang isagawa ito noong Oktubre 28 sa kanyang bahay sa BF Homes Parañaque.

Ito naman ang binigyan-diin ni NBI medico legal chief Alvin David nang lumabas sa exa­mination na umabot sa 10 ang saksak na tinamo ni Ramgen kung saan ang isa ay tumama sa kanyang dibdib at puso na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Ayon kay David, indikasyon lamang umano ito na intensiyon ng suspect na patayin ang half brother ni Senador Bong Revilla.

Lumilitaw din na gumamit pa ng unan ang suspect nang barilin si Ramgen sa kaliwang dibdib upang wala umanong makarinig sa putok nito.

Nabatid na nakakita ng hibla­ ng unan ang mga forensics sa katawan ni Ramgen.

Show comments