^

Metro

Mukha ng bumaril kay Peek inilabas

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Inilabas kahapon ng pu­lisya ang mukha at pagkakakilanlan ng suspek na bumaril at malubhang nakasugat sa Talk ’N Text basketball player na si Ali Peek kamakalawa ng gabi sa Mandaluyong City.

Ito’y kasabay ng pagbi­bigay din ni Talk ’N Text (TNT) basketball team owner Manuel Pangilinan ng P500,000 reward para sa sinumang makapagbi­bigay ng impormasyon na magiging daan para maaresto ang suspek sa krimen.

Ayon kay P/Supt. Armado Bolalin, hepe ng Mandaluyong PNP, ang pagpapalabas nila ng ‘mukha’ ng suspek ay upang mabatid at makatulong ang publiko sa pag-aresto dito.

Sinabi ni Bolalin na ang suspek ay may taas na 5’5’’-5’6”, tinatayang nasa edad na 30-35, may kaitiman ang kulay ng balat, katamtaman ang pangangatawan, nakasuot ng t-shirt at shorts na khaki.

Sinabi naman ni TNT coach Vincent “Chot” Reyes sa kanyang Twitter account na naglaan si Pangilinan ng kalahating milyong reward para agad na maaresto ang suspek.

Base sa report, ang insi­dente ay naganap dakong alas-7:00 ng gabi habang ang biktima ay papalabas ng RFM gymnasium sa Mandaluyong kung saan ay katatapos lamang ng kanyang workout.

Habang naglalakad ang biktima ay nilapitan siya ng suspek at biglang binaril sa leeg.

Agad namang isinugod sa Medical City Hospital ng mga nakasaksi sa insidente si Peek kung saan nagpapalakas ngayon at sinasabi ng mga doktor na nasa stable condition na ang basketbolista.

Masusi ngayon ang isina­sa­gawang imbestigasyon ng Man­daluyong PNP sa naganap na insidente at isa sa motibong tinitingnan ay pagnanakaw dahil tina­ngay umano ng suspek ang bag ng biktima.

ALI PEEK

ARMADO BOLALIN

MANDALUYONG

MANDALUYONG CITY

MANUEL PANGILINAN

MEDICAL CITY HOSPITAL

N TEXT

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with