La Mesa Dam nasa red alert status
MANILA, Philippines - Itinaas na sa red alert status ang La Mesa Dam sa Quezon City kahapon matapos na dumating sa mataas na umabot sa spilling level ang tubig nito.
Ayon sa ulat, tumaas sa 79.75 meters ang tubig sa naturang dam o 0.40 meters bago ang spilling level nito na 80.15 meters.
Sinasabing ang pagtaas ng tubig ay bunga ng walang humpay na pagbuhos ng ulan sa Metro Manila dala ng sinasabing shallow low pressure area.
Ayon kay Teddy Angeles, La Mesa dam headworks manager, inalerto na nila ang local government units at mga residente kaugnay dito.
- Latest
- Trending