MANILA, Philippines - Isang babaeng sanggol na hinihinalang namatay habang ipinanganganak o naagasan ang ina ang mistulang isang bagay lamang na isinupot sa plastic at itinapon sa basurahan, sa Bacood, Sta. Mesa, Maynila, kahapon ng tanghali.
Sa ulat ni SPO1 Amelito Lopez, ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-12 ng tanghali nang ireport ang insidente sa nakakasakop na si Barangay Chairwoman Davey Roa, ng Brgy 616, Zone 61.
Isang tagahakot ng basura mula sa Leonel Waste Management ang nakadiskubre sa sanggol na may nakakabit na inunan at pusod, na nakasilid sa sando plastic bag na dilaw na may tatak na “SM” ang kapapanganak na sanggol.
Ayon kay Lopez, posibleng namatay ang beybi habang isinisilang ng ina sa hilot o nakunan ang ina kaya ibinasura na lamang ang bata.
Iniimbestigahan pa kung sino ang responsible sa pag tatapon ng sanggol.