^

Metro

Bar exam maayos na naidaos -- MPD chief

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Tiniyak kahapon ni Manila Police District Director Senior Supt. Alexander Gutierrez na sapat ang proteksiyon ng mga kumuha ng bar exams kahapon sa University of Sto. Tomas (UST) sa Dapitan, Maynila. Sa ginanap na pulong balitaan sa Tinapayan sa Dapitan, sinabi ni Gutierrez na  hindi sila gaanong nahirapan sa pagpaplano ng seguridad dahil maluwag ang kalsada at walang establisimyento sa paligid ng UST na ma­aring gawin tambayan ng mga grupo “symphatizer” ng bar examinee.

Nabatid kay Gutierrez na simula pa lamang alas-4 ng umaga ay nagsimula ng dumagsa na UST ang mga examiner kung kaya’t na­iwasan ang trapik.

 Sinabi ni Gutierrez na binantayan ng MPD ang bu­ong bisinidad ng unibersidad hanggang sa matapos ang bar exam upang masiguro na walang manggugulo o anumang karahasan na mang­yayari tulad ng nangyari sa De La Salle University.

Tiniyak din ni Gutierrez na mas paiigtingin nila ang pagbabantay sa UST sa huling linggo ng bar exam kung saan tradisyunal na ginagawa ang “bar ops” na malimit na pinagsisimulan ng kaguluhan sa lugar.

Nauna dito, 40 katao ang nasugatan, habang dalawa ang naputulan ng paa ng magkaron ng pagsabog sa huling araw ng bar exam.

Nalaman na may 6,200 law student ang kumuha ng bar exam.

ALEXANDER GUTIERREZ

BAR

DAPITAN

DE LA SALLE UNIVERSITY

MANILA POLICE DISTRICT DIRECTOR SENIOR SUPT

MAYNILA

NALAMAN

UNIVERSITY OF STO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with