^

Metro

Kelot niratrat todas

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang bangkay ng hindi nakikilalang lalaki na may mga tama ng bala sa dibdib at ulo ang natagpuan sa isang madilim na lugar sa lungsod Quezon kahapon ng madaling araw.

Ayon kay PO2 Jogene Hernandez ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District, dahil walang pagkakaki­lan­lan isinalarawan lamang ang biktima sa edad na 30-35, may taas na 5’5-5’7, payat, at nakasuot ng itim na t-shirt, itim na short, itim na jacket at bull cap na kulay pula.

Sinabi ni Hernandez, ang biktima ay natagpuan ng isang Rodrigo Tan sa may harap ng isang bahay sa no. 92, 7th St., Area 3, Pasong Tamo ganap na alas 2 ng madaling-araw.

Naglalakad umano si Tan sa lugar nang mapuna nito ang isang nakahigang lalaki. Nang kanyang lapitan ay bumulaga sa kanya ang duguang katawan nito sanhi para agad niyang ipabatid sa barangay hall at pulisya.

Samantala, ayon naman kay Roma Gulayan, residente malapit sa lugar, ganap na ala-1:20 ng madaling araw ay nakarinig umano siya ng mga putok ng baril sa labas ng kanyang bahay.

Dahil natatakot, bina­lewala lamang ni Gula­yan ang narinig, hanggang sa mabalitaan na lang niya na may natagpuang bangkay sa naturang lugar.

Hinala ng awtoridad, ma­aring inabangan ng suspect ang biktima sa lugar, saka pinagbabaril at tumakas.

Patuloy ang pagsisiyasat ng awtoridad sa naturang insidente upang matukoy ang pagkakakilanlan ng biktima na inilagay na sa panga­ ngalaga ng St. Rafael fune­ral para sa kaukulang disposisyon.

AYON

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

JOGENE HERNANDEZ

PASONG TAMO

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

RODRIGO TAN

ROMA GULAYAN

SHY

ST. RAFAEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with