^

Metro

Pagbabawal ng 2 lalaking riding in tandem hindi solusyon sa krimen -- MPD

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Naniniwala ang ilang mga opisyal ng  Manila Police Dis­trict na hindi solusyon ang pagbabawal sa  dalawang lalaki na riding in tandem upang  mabawasan ang  krimen na kinasasangkutan ng mga ito kabilang na ang  ambush at robbery holdup.

Ayon kina MPD Station 2 commander  Supt. Je­mar Modequillo, Station 4 commander Supt. Rolando Balasabas, Station 5 commander, Supt. Ricardo La­yug at Station 3 commander James Afalla, police visibi­lity pa rin ang  epektibong paraan upang labanan ang modus operandi ng  riding­ in tandem.

Nabatid pa sa mga opis­yal na mayroon na ring gi­na­gamit na mga babae sa riding in tandem upang isagawa ang ambush at robbery holdup.

Paliwanag ni  Modequillo at Layug, karapatan ng isang motorista kung sino ang kanyang isasakay kailangan lamang ang  random checkpoints sa  mga lugar sa Maynila.

Pabor din si Layug na  magkaroon ng  motorcycle lane kung saan may nakatalagang daanan ang mga motorsiklo.

Sinabi naman ni Afalla, riding in tandem ang  gina­gamit ng mga sindikato dahil madaling makatakas ang mga ito ay hindi madaling abutan ng mga nagreres­pondeng pulis.

Para naman kay MPD station 11 commander Supt. Ferdinand Quirante, dapat na paigtingin pa ng Land Transportation Office (LTO) ang  batas kung saan isang tao lamang ang dapat na  nakasakay sa  motorsiklo.

Napag-alaman na dinag­dagan na rin ni MPD director Sr.Supt. Alex Gutierrez ang pagpapatrolya ng mga mobile cars araw araw upang walang riding in tandem na magsasagawa ng  krimen sa lungsod.

ALEX GUTIERREZ

JAMES AFALLA

LAND TRANSPORTATION OFFICE

LAYUG

MANILA POLICE DIS

RICARDO LA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with