Libreng seminar, muling binuksan ni VM Joy B para sa mga taga-QC
MANILA, Philippines - Pormal nang binuksan ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang pagkakaloob ng pinakabagong programang libreng seminar para sa mga taga-lungsod na naglalayong mabigyan sila ng higit na kaalaman kung paano matutulungan ang kani-kanilang pamilya na makabangon sa kahirapan.
Ang seminar ay para sa lahat ng taga-QC, nasa gulang 18 hanggang 60-anyos. Ang libreng training na ito na tinawag na ‘Carinderia Training Program’.
Ang programang ito ay humihikayat sa mga nabanggit na magkaroon ng sapat na kaalaman sa tamang paghahanda ng pagkain at makapaglaan ng kahit maliit na negosyo mula rito na makakatulong sa pang-araw-araw na gastusin.
Ang libreng seminar ay itinataguyod ng tanggapan ni Vice Mayor Belmonte sa tulong ng Center for Culinary Arts (CCA) sa pamamagitan ng Culinary Education Foundation Incorporated.
Ang proyektong ito na tinaguriang “Diskarte sa Kusina at Kabuhayan” ay bahagi ng patuloy na paglalaan ng livelihood trainings at capacity building seminars ni Belmonte para sa mga taga-QC kasama na ang pagbibigay ng libreng edukasyon sa mga mahihirap na residente ng lungsod.
Tampok sa seminar na ito ang tungkol sa food sanitation and safety, iba’t ibang cooking techniques, food seasoning at flavoring, food sustainability, management para sa kapaligiran kasama ang tamang waste disposal, culinary nutrition, food plating at presentation, culinary match at isang wide array ng mga recipes.
- Latest
- Trending