^

Metro

Vendor patay sa gulpi ng bagets

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Namatay habang ginagamot sa ospital ang isang vendor matapos makipagsuntukan sa isang menor-de- edad sa Quezon City kamakalawa ng hapon.

Idineklarang patay bandang alas-11:30 kamakalawa ng gabi ang biktimang si Ruben Badajos, 36, pansamantalang naninirahan sa bangketa ng Alpha theater sa kahabaan ng Aurora­ Blvd., Quezon City sanhi ng tinamong sugat sa ulo at sa kamay.

Habang nasa pangangalaga nga­yon ng Department of Social Welfare and Developmet ang itinuturong res­ponsable sa krimen na si Jayjay Mut­ya Escalante, 16, out-of-school youth at pansamantala ring nanunuluyan sa Nepa Q-mart sa Cubao, Quezon City matapos itong arestuhin.

Batay sa ulat, nangyari ang insi­dente pasado alas-3:10 kamakalawa ng hapon sa harapan ng Rojet Internet Café sa Brgy. E. Rodriguez, Cubao.

Nauna rito, nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo ang dalawa hanggang sa mauwi sa suntukan at mapatumba umano ng suspek ang biktima. Dahil dito, agad na umawat sina Jake de Leon at Roberto Cruz at dinala ang sugatang biktima sa lobby ng Alpha theater at doon pinaupo.

Bandang alas-9:30 ng gabi ay napansin ng mga kasamahan na tila hindi na umano humihinga ang biktima kung kaya’t mabilis nila itong isinugod sa QMMC hanggang sa bawian ito ng buhay.

vuukle comment

BANDANG

CUBAO

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMET

JAYJAY MUT

NEPA Q

QUEZON CITY

ROBERTO CRUZ

ROJET INTERNET CAF

RUBEN BADAJOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with