Misis tinarakan ng kaaway ni mister
MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kalagayan ang isang misis nang pagsasaksakin ito ng kaaway ng kanyang mister kamakalawa ng gabi sa Navotas City. Ang biktima na kasalukuyang inoobserbahan sa Tondo Medical Center sanhi ng mga tinamong tama ng saksak sa katawan ay nakilalang si Mercidita Acbo 53, Brgy. Bangkulasi ng nasabing lungsod.
Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Junel Reyes, isang obrero at nakatira din sa nasabing lugar. Dakong alas-7:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng biktima sa naturang lugar nang bigla na lamang pumasok ang suspek sa bahay ng biktima at pagkakita nito sa ginang ay agad itong hinatak ng suspect at tinanong kung nasaan ang kanyang mister. Nang hindi sumagot ay bigla itong pinagsasaksak ng suspect saka mabilis na tumakas.
- Latest
- Trending