^

Metro

Pulis-Maynila kulong sa pagpatay sa sekyu

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Dinakip ng kanyang mga kasamahan sa Manila Police District (MPD) ang isang traffic police na itinurong pumatay sa isang 19-anyos na security guard matapos maangasan umano nang pagkaguluhan ang huli sa ganda ng boses nang umawit ito sa isang bar, sa Sampaloc, Maynila, noong Linggo ng gabi.

Ayon kay Chief Insp. Joey de Ocampo, hepe ng MPD-Homicide Section,nadakip nila sa isang follow-up operation ang suspect na si PO3 George Cortez, nakatalaga sa  Manila Traffic Bureau at residente ng #755 M.V. Delos Santos St., Sampaloc.

Dakong alas-2 ng madaling-araw nang arestuhin si Cortez sa loob ng kanyang bahay matapos inguso ng isang saksi sa pagpatay sa biktimang si Neil Palaca, ng United Bayanihan, San Pedro,  Laguna, madaling-araw  noong Linggo,  sa panulukan ng Moret at S.H. Loyola St., Sampaloc, Maynila.

Lasing umano ang suspect at natutulog nang kanilang dakpin.

Sa imbestigasyon, ang suspect at biktima ay kapwa nakitang umiinom sa magkahiwalay na lamesa sa loob ng Shotgrills beerhouse  sa S.H. Loyola St., Sampaloc, Maynila

Nairita umano ang suspect dahil halos lahat ng mga waitress na mga kaibigan niya ay natuon ang pansin at kinilig sa boses ni Palaca. Sinundan umano ni Cortez ang biktima at habang sakay ng motorsiklo ay binaril ang biktima na naglalakad lamang.

vuukle comment

CHIEF INSP

DELOS SANTOS ST.

GEORGE CORTEZ

HOMICIDE SECTION

LINGGO

LOYOLA ST.

MANILA POLICE DISTRICT

MANILA TRAFFIC BUREAU

MAYNILA

NEIL PALACA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with