PSSC sa QC natupok

MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa P.5 milyong halaga ng ari-arian ang natupok sa sunog na naganap sa may Philippine Social Science­ Center (PSSC) sa Commonwealth Avenue Quezon City kahapon.

Ayon kay Senior Supt. Bobby­ Baruello, city fire marshal, nagsimula ang sunog sa may ikatlong palapag ng na­sabing gusali ganap na alas-6:40 ng umaga.

Sinasabing nag-ugat ang sunog sa naiwang aircon na nakabukas. Dahil sa mabilis na pagresponde ng mga pamatay- sunog, umabot lamang sa ika­lawang alarma ang sunog na agad na naapula ganap na alas- 7:30 ng umaga.

Wala namang iniulat na nasawi o nasaktan sa naturang insidente. Habang patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad dito.

Show comments