^

Metro

Acetylene gang 'umiskor' sa Undas

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Nagawang ‘umiskor’ ng grupong ‘acetylene gang’ habang busy ang lahat sa paggunita ng Undas nang magpanggap na mga negosyante at magtatayo ng laundry shop sa tabi ng isang pawnshop, sa Sta. Mesa, Maynila. Sa reklamong inihain kahapon ng umaga sa Manila Theft and Robbery Section ni Geraldine Tayag, 41, caretaker ng Sangalang Pawnshop na matatagpuan sa Old Sta. Mesa, Maynila, nilooban sila at natangay ang tinatayang P500,000 halaga ng alahas at P25,000 cash. Nadiskubre lamang umano ang insidente nang magbukas ng pawnshop si Tayag, dakong alas-8:30 ng umaga kahapon, kung saan nasorpresa siya na nakabukas na ang pintuan ng pawnshop. Nang paimbestigahan ni MPD-TRS chief, C/Insp. Richard Madlangbayan, nabatid na dalawang lalaki at babae umano ang umupa sa bakanteng puwesto sa mismong tabi ng nasabing pawnshop noong Oktubre 13, 2011, dakong alas-10 ng umaga. Nagawa pang magdeposito ng P30,000 ng grupo para sa dalawang buwan na rental kay Norman de Guzman, may-ari ng commercial units. Naiwan ng mga suspect sa loob ng inupahang silid ang dalawang oxygen tank, isang acetylene, bareta de cabra (crowbar),  lagare, bolt cutter at paraphernalias sa paghuhukay.

vuukle comment

GERALDINE TAYAG

GUZMAN

MANILA THEFT AND ROBBERY SECTION

MAYNILA

NADISKUBRE

NAGAWA

NAGAWANG

OLD STA

RICHARD MADLANGBAYAN

SANGALANG PAWNSHOP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with