^

Metro

Lalaki lasog sa tren

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Nalasog ang katawan ng hindi pa nakikilalang lalaki makaraang masagasaan ng isang tren ng Philippine National Railways (PNR) sa southbound lane sa Magallanes, Makati City kahapon ng umaga.

Walang pagkakakilanlan sa biktima maliban sa suot nitong berdeng shorts.  Pinaniniwalaan na nagtatrabaho bilang taga-tabas ng damo sa gilid ng riles ng PNR ang biktima.

Sa inisyal na ulat ng Makati City Police, nakatanggap sila ng ulat buhat sa mga residente malapit sa riles ng PNR sa may South Superhighway, Magallanes dakong alas-9:30 ng umaga sa pagkakatagpo sa naturang bangkay.

Nabatid na naputol ang isang hita ng biktima makaraang magulungan ng tren na sanhi ng agad na pagkasawi nito.

Patuloy naman ang masusing imbestigasyon ng pulisya upang makilala ang nasawi at ang operator ng nakasagasang tren upang mapanagot sa naturang insidente.  

vuukle comment

MAGALLANES

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

NABATID

NALASOG

PATULOY

PHILIPPINE NATIONAL RAILWAYS

PINANINIWALAAN

SOUTH SUPERHIGHWAY

WALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with