^

Metro

3 DILG employees nalason sa tuna

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Ilang empleyado ng Department of Interior and Local­ Government (DILG) ang isinugod sa klinika matapos na umano’y malason sa kinaing isda mula sa kantina nito kahapon ng tanghali.

Sa inisyal na ulat, tatlong empleyado ng DILG ang ginamot sa clinic matapos na makaramdam ng pagkahilo nang kumain sa may canteen na matatagpuan sa ikalawang palapag ng DILG main office sa Quezon City.

Nabatid kay Nora Casino, nakatalaga sa Special Projects ng DILG, inireklamo umano ng mga nasabing empleyado ang biglang pagkahilo at pagkakaroon ng malalaking pantal sa mga katawan.

Sinabi ni Casino, isa sa nasabing empleyado ay naka­kain umano ng inihaw na tuna mula sa naturang kantina at nakaramdam ng pagkahilo, hanggang sa dalawa pang empleyado ang sumunod na nakaramdam ng ganito.

Kaagad namang binig­yan ng paunang lunas ang mga biktima na hanggang sa isinusulat ang balitang ito ay tumanggi namang ibigay ng pamunuan ang mga pangalan sa pakiusap na din ng mga ito habang patuloy na ino­obserbahan.

Samantala, nilinaw naman ni Feliz Regis, hepe ng DILG Office of Public Affairs, na ‘isolated” lamang ang nangyari kung saan may ilan din umanong nakakain ng nasabing isda subalit wala namang nangyaring masama sa mga ito.

Posible umanong nahaluan ng bilasang isda ang inihain kung kaya’t may ilang nakakain nito.  

vuukle comment

FELIZ REGIS

ILANG

KAAGAD

NABATID

NORA CASINO

OFFICE OF PUBLIC AFFAIRS

QUEZON CITY

SPECIAL PROJECTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with