^

Metro

Pulis, City Hall personnel standby sa sementeryo - Lim

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Dahil sa pagdagsa pa rin ng mga dumadalaw sa Manila North at Manila South Cemetery, inutos ni Manila Mayor Alfredo Lim ang pananatili ng mga city personnel upang mabigyan pa rin ng seguridad ang mga dadalaw.

Ang kautusan ni Lim ay bunsod na rin sa report na marami pa rin ang nagtutungo sa mga sementeryo at hindi nakipagsabayan sa pagtungo sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay noong Nobyembre 1 at 2.

Ayon kay Lim, naglabas siya ng direktiba kina Eddie Noriega ng Manila North Cemetery at Henry Dy ng Manila South Cemetery na tiyakin na may medical, police at traffic personnel na naka­antabay hanggang ngayon.

Nabatid kay Noriega na umaabot pa sa 85,000 katao kahapon ng alas-2 ang pa­tuloy na bumibisita sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay habang libo naman ang sa Manila South Ce­metery.

Samantala, sinabi naman ni department of public services director ret. Col. Carlos Baltazar na umaabot sa 200 truckloads ng basura ang nakolekta sa dalawang sementeryo matapos ang dalawang araw na pagdagsa ng mga nagtutungo sa sementeryo.

Ayon kay Baltazar inaasahang hanggang sa Nobyembre 4 pa ang kanilang ga­gawing paghahakot sa mga ba­sura.

AYON

CARLOS BALTAZAR

EDDIE NORIEGA

HENRY DY

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

MANILA NORTH CEMETERY

MANILA SOUTH CE

MANILA SOUTH CEMETERY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with