^

Metro

Driver sinumpak sa harap ni misis

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Isang 35-anyos na tri­cycle driver ang anim na beses na pinaputukan ng sumpak sa harap ng kanyang misis, sa Port Area, Maynila, kahapon ng umaga.

Kinilala ni P/Sr.Insp. Joey de Ocampo ang biktimang si Joselito Handog Tapin alyas “Dodong, ng Row 16, Unit 5 Block 4, ng Habitat for Humanity, Baseco Compound, Port Area.

Inilarawan lamang ang salarin na may taas na 5’4’’, nasa edad na 30-35, balingkinitan, nakasuot ng sports jacket na pula at bull cap. Agad itong tumakas bitbit ang sumpak na ginamit.

Sa ulat ni PO2 Jupiter Tajonera, naganap ang insidente dakong alas-5:50  ng umaga, sa loob ng tahanan ng biktima

Natutulog umano ang biktima sa tabi ng misis na  si Lyna nang may sunud-su­nod na katok ang gumising sa kanila. Nang pagbuksan, agad binaril sa leeg ang biktima ng anim na ulit.

 Isinugod pa sa Gat Andres­ Bonifacio Hospital ang biktima subalit dakong alas-6:17 nang ideklarang dead-on-arrival.

Hindi pa makunan ng pahayag ang misis ng  biktima na kasalukuyang trauma­tized pa sa pangyayari.

BASECO COMPOUND

BONIFACIO HOSPITAL

DODONG

GAT ANDRES

INILARAWAN

ISANG

ISINUGOD

JOSELITO HANDOG TAPIN

JUPITER TAJONERA

PORT AREA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with