Trader todas sa ambush

MANILA, Philippines - Pinagbabaril hanggang sa napatay ng dalawang hindi pa nakikilalang lalaki ang isang negosyante sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Ricardo Carta­jenas, 49, ng C-3 Road, ng nabanggit na  lungsod sanhi ng tinamong dalawang tama ng bala ng baril sa ulo. Nagsa­sagawa pa ng follow-up ang mga pulis laban sa hindi pa nakikilalang mga suspect.

Base sa inisyal na report ng Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong alas-6:30 ng umaga, malapit sa bahay ng biktima.

Lumabas ang biktima upang pumunta sa tindahan, nang sumulpot ang isa sa mga suspect na armado ng baril at pinaputukan ang biktima habang nakatalikod.

Kaagad na nasawi ang biktima habang mabilis namang tumakas ang mga   suspect. Patuloy na nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang pulisya hinggil sa in­sidente.

Show comments