^

Metro

QC, handa na sa Undas

- Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Handa na ang Quezon City sa pagpapatupad ng  public safety at order plans sa mga pribado at pampublikong sementeryo sa lungsod gayundin sa mga bus terminals kaugnay ng paggunita sa Undas ngayong Nobyembre 1.

 Kaugnay nito, inatasan ni QC Mayor Herbert M. Bautista ang lahat ng kaalam na departamento at opisina sa lunsod sa pangunguna ng Quezon City Police District (QCPD), Department of Public Order and Safety (DPOS), at Civil Registry upang  ihanda ang mga kaila­ngang plan  of action kasama na ang security measures, traffic re-routing sa mga lansangan na malapit sa mga sementeryo laluna ang Bagbag, Baesa at  Novaliches cemetery.

Mayroon ding 30 tauhan ang Civil Registry na ilalagay sa naturang mga sementeryo mula ngayong Oktubre 30 hanggang Nobyembre 2 upang ayudahan ang mga tao na tutungo sa mga sementeryo para dalawin ang puntod ng yumao nilang mga mahal sa buhay.

Ayon kay DPOS chief Elmo San Diego na may kabuuang 400 siyang mga tauhan mula sa kanyang departamento ang itinalaga para ma­tiyak na walang pagsisikip ng daloy ng trapiko patungo ng mga pampulikong sementeryo gayundin sa mga pribadong sementeryo sa Eternal Garden Memorial Park sa Balumbato, Himlayang Pilipino sa Tandang Sora at Holy Cross sa Quirino Highway.

Samantala, nanawagan naman si QCPD Director George Regis sa mga taga QC na ingatang mabuti ang mga tahanan sa pamamagitan ng pag-lock na mabuti sa mga entry points ng bahay kung pupunta sa sementeryo upang hindi mabiktima ng mga criminal elements na magsasamantala sa okas­yon.

CIVIL REGISTRY

DEPARTMENT OF PUBLIC ORDER AND SAFETY

DIRECTOR GEORGE REGIS

ELMO SAN DIEGO

ETERNAL GARDEN MEMORIAL PARK

HIMLAYANG PILIPINO

HOLY CROSS

MAYOR HERBERT M

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with