^

Metro

Grade 3 pupil, ni-rape slay

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Ginahasa at pinatay ang isang grade 3 pupil ng hindi pa nakikilalang salarin at saka itinapon ang bangkay sa likod ng isang simbahan sa Muntinlupa City kamakalawa ng umaga­.

Nakapulupot pa sa leeg ng biktima na kinilala na si Sophia De Guzman, Grade 3 pupil at residente ng Vic­toria Homes, Brgy. Tunasan, ang kulay berdeng kawad na ginamit na pambigti sa kanya nang madiskubre nina Jeric Terio, 18; at Emmanuel Regala, 16, sa likuran ng L’Annuziata Parish Church sa may Long Beach Drive RV1 Creekside, Victoria Homes, pasado alas-8 ng umaga­.

Nakababa pa hanggang tuhod ang suot na short pants at panty ng paslit at bali pa ang kaliwang kamay na pa­latandaan ng panlalaban nang matagpuang naka­tihaya sa masukal na bahagi­ sa naturang lugar.

Sa imbestigasyon, huling nakitang buhay ang biktima noong nakaraang Miyerkules pa ng umaga kung saan nag-aalok ito ng mga segundamanong damit na pandagdag sa kabuhayan ng kanilang mahirap na pamilya. Kilala umano na masipag ang batang si Sophia na tumutulong sa pagha­hanapbuhay para na rin may magastos sa kanyang pag-aaral.

Labis naman ang pagdadalamhati ng ina ng biktima at sinisi rin ang sarili dahil sa pagpayag na makalabas ng bahay ng kanyang anak.

Isinasailalim rin sa pagtatanong ngayon ang dalawang bina­tilyong nakakita sa bangkay ng biktima.

vuukle comment

ANNUZIATA PARISH CHURCH

BRGY

EMMANUEL REGALA

GINAHASA

ISINASAILALIM

JERIC TERIO

MUNTINLUPA CITY

SHY

SOPHIA DE GUZMAN

VICTORIA HOMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with