^

Metro

Ospital sa Maynila, inalerto sa Undas

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Pinaalerto ni Manila Mayor­ Alfredo S. Lim ang anim na ospital ng city govern­ment ngayong Undas­ bilang paghahanda sa po­sibleng pagdagsa ng mga pasyente.

Ayon kay Lim, kailangan na handa lahat ang pasilidad ng anim na ospital upang agad na mabigyan ng medical attention ang mga pas­yenteng dadalhin dito.

Maging ang Manila Health Department sa pamumuno ni Dr. Evangeline Rafanan ay inatasan ni Lim na maglagay ng kanilang mga medical stations para sa emergency cases sa mga sementeryo.

Samantala, pinaalalahanan din ni Lim sina Manila North Cemetery chief Eddie Noriega at Manila South Cemetery director Henry Dy na tiyakin na walang matatalas na kontrabando, alak at maging mga baraha ang makapapasok sa loob ng sementeryo na umano’y kadalasang pinagmumulan ng gulo.

Nabatid na may nakahanda ring mga wheelchair para sa may mga kapansanan upang hindi mahirapan sa pagpasok sa loob ng sementeryo.

ALFREDO S

AYON

DR. EVANGELINE RAFANAN

EDDIE NORIEGA

HENRY DY

MANILA HEALTH DEPARTMENT

MANILA MAYOR

MANILA NORTH CEMETERY

MANILA SOUTH CEMETERY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with