Task Force Kaluluwa, inilunsad ng QCPD
MANILA, Philippines - Inilunsad ng Quezon City Police District (QCPD) ang ‘Task Force Kaluluwa’ upang mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa mga sementeryo ngayong nalalapit ang Undas.
Ayon kay Chief Superintendent George Regis ng QCPD, ang ‘Task Force Kaluluwa’ ay kinabibilangan ng tatlong sub-groups ang Alpha, Bravo at Charlie.
May 2,821 security personnel na itatalaga ang nakapokus ang kanilang operasyon sa mga sementeryo, bus terminals at iba pang transportasyon tulad ng Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT) stations.
Ang Alpha umano ang in-charge para sa anti-criminal operations, habang ang Bravo ang mangunguna naman sa seguridad sa loob ng sementeryo at ang Charlie ay isasabak naman sa mga pangunahing bus terminals, MRT at LRT stations.
Bukod dito, dagdag ni Regis, naglagay na rin sila ng police assistance desks sa loob ng mga sementeryo at iba pang mga lugar mula October 27 hanggang November 3.
- Latest
- Trending