Mga kalansay sa Bagbag cemetery, susunugin
MANILA, Philippines - Susunugin na ng pamunuan ng Bagbag Cemetery sa Novaliches Quezon City ang may mahigit 6,000 “unclaimed bones” o mga napabayaang mga kalansay
Ayon kay Teogenes Biglang-awa, OIC ng Bagbag Cemetery, matagal nang inabisuhan ng kanyang tanggapan ang pamilya ng mga yumao na nagmamay-ari ng naturang mga kalansay pero hindi na sila nagpakita ng interes para mailipat ang mga kalansay sa apartment type na nitso.
Sa ngayon, 10,800 remains na ang nailipat sa apartment type niches habang nasa 8,500 ang hindi pa nagagalaw sa pinaglibingang nitso.
Pitong-libo namang kalansay ang naapektuhan matapos gibain ang mga nitso nito sa ipinatayong apartment type niches sa paligid ng naturang sementeryo.
- Latest
- Trending