Trike driver nilikida

MANILA, Philippines - Napatay ang isang 38-anyos na tricycle driver makaraang pagbabarilin ng dalawa sa tatlong armadong kalala­kihan sa bahagi ng Old Balara sa Barangay Apolonio Samson­ sa Quezon kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa ulo ang biktimang si Joel Toquero ng # 29 Silangan Street, Ka­ingin­­ Bukid sa nasabing barangay.

Ayon kay PO3 Modesto Juanson, naganap ang krimen sa gilid ng Family public market sa kahabaan ng Old Balara bandang alas-10:30 ng gabi. Base sa police report, kinukumpuni ng bikitma ang gulong ng kanyang tricycle nang lapitan at pagbabarilin. Tumakas­ ang gunmen lulan ng motorsiklo na walang plaka kung saan narekober naman sa crime scene ang 3-basyo ng baril.

Show comments