^

Metro

P.4-M nalimas ng Dugo-Dugo Gang

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Umaabot sa P.4 milyon cash ang nalimas ng mga miyembro­ ng Dugo-Dugo Gang sa kawani ng Phil. Stock Exchange sa Quezon City, ayon sa ulat kahapon.

Dumulog sa himpilan ng Criminal Investigation and Detection­ Unit ng Quezon City PNP District sa Camp Karingal­ ang biktimang si Adelaida Verandria, 54, biyuda, ng #23 Mayaman Street, UP Village sa Diliman.

Sa ulat ni SPO2 Antonio Galauran, lumilitaw na tumawag­ sa telepono ang isang di-kilalang lalaki kung saan nahikayat ang kasambahay ni Adelaida na kumuha ng malaking halaga dahil ang kanyang amo ay nasa ospital at kailangan ang pera.

Bukod sa lalaking caller ay pinakausap pa sa kasam­bahay ang isang babae na nagpakilalang kanyang among si Aling Adelaida kaya napaniwala agad ng grupo.

Kaagad naman kinuha ng kasambahay ang malaking halaga mula sa kabinet ng kanyang amo at dinala sa harapan ng East Avenue Medical Center kung saan iniabot ang pera sa hindi kilalang lalaki.

Pinagsabihan ang kasambahay na magpunta sa city hall dahil may susundo sa kanya para dalhin sa kanyang amo.

Subalit makalipas ang 35-minutong paghihintay ay walang dumarating na susundo kaya nagdesisyon ang kasambahay na umuwi kung saan tinawagan nito ang opisina ng amo.

Nasorpresa ang kasambahay nang sumagot ang amo na sinasabing nasa ospital.

ADELAIDA VERANDRIA

ALING ADELAIDA

ANTONIO GALAURAN

CAMP KARINGAL

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION

DUGO-DUGO GANG

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

MAYAMAN STREET

QUEZON CITY

STOCK EXCHANGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with