^

Metro

Pulis-QC inireklamo ng bus drayber

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Nalalagay ngayon sa ba­ lag ng alanganin ang isang pulis-Quezon City matapos na ireklamo ng pananakit at panunutok ng baril ng isang driver ng bus sa nasabing lungsod kamakalawa.

Sa ulat ng Criminal In­ves­tigation and Detection Unit ng QCPD, nakilala ang inireklamo na si SPO1 Nunilon Sta Cruz, 43, nakatalaga sa District Public Safety Batallion ng QCPD.

Nagsampa ng reklamo ang biktimang si Roberto Dado, 40, ng Costa Verde Subdivision, Brgy. Sta Mo­nica sa nasabing lungsod.

Ayon sa ulat ni PO1 Alvin­ Quisumbing, naganap ang insidente sa King Sam Bus (TXY-937) kung saan sakay si SPO1 Sta Cruz at binabagtas ang main ave­nue sa Brgy. Soccorro, Cubao.

Lumilitaw na nagtanong ang driver ng bus kay SPO1 Sta Cruz kung saan bababa subalit dahil sa lango sa alak ang pulis ay nagalit ito.

Sinabihan si Dado ng katagang bakit type mo ba ako?, kung saan sinagot naman siya ng katagang “di naman ako bakla sir.”

Sa puntong ito, biglang nagbunot ng baril si Sta Cruz at hinampas sa ulo si Dado kung saan hindi pa nakuntento ay sinuntok pa ang biktima.

Dito na nagpambuno ang dalawa hanggang sa pumutok ang baril at tumama sa glass door ng bus kung saan naagaw naman ni Dado ang baril.

Rumesponde naman si SPO3 Moises Tacdol ng Police Station 7 at inaresto si Sta Cruz.

BRGY

COSTA VERDE SUBDIVISION

CRIMINAL IN

DETECTION UN

DISTRICT PUBLIC SAFETY BATALLION

KING SAM BUS

MOISES TACDOL

NUNILON STA CRUZ

STA CRUZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with