3 bebot tiklo sa abortion

MANILA, Philippines - Timbog sa entrapment ope­­ration ang tatlong babae, kabilang ang isang umano’y midwife na magkakasabwat umano sa tangkang abortion, kamakalawa ng hapon.

Isinailalim na kahapon sa inquest proceedings sa Manila Prosecutor’s Office ang mga sus­pect na kinilalang sina Leticia Malicad, alyas “Aling Tom, 48, dalaga, kumadrona, ng Kaunlaran St., Dampalit, Malabon City; Nenita Centeno alyas “Pining”, 54, ng Tondo at Yolanda Baylon, alyas “Lot” at “Shen”, 29, vendor.

Nabatid na isang Rowena Remilosa, 35, ng T. Bugallon St., Tondo ang nagreport sa tang­­gapan ng District Police Intelligence and Operation Unit (DPIOU) hinggil sa planong abortion. Anang biktima, ha­bang patungo siya ng Black Nazarene church sa Quiapo ay binulu­ngan siya ng suspect na si Lot na may pampalaglag silang ibinebenta.

Una pa umanong inireko­menda nito ang ‘Cytotec’ su­ba­lit ubos na kaya ‘Quinine’ tablet naman umano na mabisa ring pampalaglag ang ibinenta sa kanya nito noong Oktubre 17, 2011.

Oktubre 20, bumalik siya sa puwesto ni Lot at nagkunwaring nainom niya ang tabletas. Dahil sa sinabi niyang walang nangyari at hindi mabisa, inalok siya nito ng komadrona na maglalaglag ng sanggol na pupuntahan nila sa Malabon, subalit aabot sa P3,500 ang babayaran. Bago matuloy ang pakikipagkita ng biktima at ng suspect na si Lot sa komadrona, nakipag-ugnayan ito sa grupo ni C/Insp. Daniel Buyao Jr., na nagkasa ng entrapment.

Show comments