Gutierrez OIC ng MPD

MANILA, Philippines - Naniniwala si Manila Mayor Alfredo S. Lim na magiging maayos ang Manila Police District sa panunungkulan ni MPD deputy director Col. Alex Gutierrez bilang officer-in-charge kasunod ng pagreretiro ni MPD director Chief Supt. Roberto Rongavilla sa susunod na buwan.

Ayon kay Lim malaki ang kanyang tiwala kay Gutierrez na maaayos nito ang kapulisan sa ilalim ng kanyang panunungkulan dahil marami na rin itong napatunayan sa kanyang mga hinawakang posisyon.

Inatasan na rin niya si Gu­tierrez na tutukan ang pagsugpo sa iba’t ibang uri ng kriminalidad sa lungsod.

Giit naman ni Gutierrez, na hindi niya bibiguin si Lim at hindi niya sasayangin ang tiwalang ibinigay nito sa kanya upang protektahan ang mga residente ng Maynila.

Show comments