Dayo na tambay, pinatay

MANILA, Philippines - Binaril sa ulo at napatay ang isang 30-anyos na lalaki na dumayo lamang sa kalapit na lugar sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Nakilala ang biktima na si Arnold Santos, ng Maria Payo St., Tondo.

Blangko pa ang awtoridad sa motibo ng pagpatay at sa pagkakakilanlan ng suspect.

Dakong alas-12:05 ng madaling-araw nang bigla na lamang barilin ng malapitan ng suspect ang biktima na noo’y nakaupo sa harapan ng isang bahay sa Sevilla St., Tondo.

Isang Oliver Ramos, driver, ang nagsugod sa biktima sa nasabing ospital subalit idineklara itong dead-on-arrival.

Show comments