Riding-in-tandem crime tumaas - PNP
MANILA, Philippines - Patuloy na tumataas ang krimen na kinasangkutan ng riding-in-tandem partikular na sa mga urban centers kabilang ang Metro Manila na umaabot na sa 1,700 sa taong ito.
Sa ipinalabas na istatistika ng PNP kahapon, nalagpasan ng rekord sa taong ito ang mga naitalang motorcycle in-tandem crime incidents sa naitalang 1,565 kaso noong 2010.
Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. Agrimero Cruz Jr., posibleng madagdagan pa ang kriminal na aktibidades ng motorcycle riding-in- tandem lalo na at papalapit na ang Kapaskuhan.
“Meron na pong 1,700 (riding-in-tandem crime incident) so it means medyo malalaki na po itinaas lalung-lalo na po sa Kamaynilaan at ang utos ng ating Chief PNP lahat po ng mga Regional Directors, mga Provincial Directors or even mga Chiefs of Police lalung-lalo na po yung nandirito sa Maynila na paigtingin itong Police Integrated Patrol Systems,” ani Cruz kung saan pinaigting din ang police beat at mobile patrol.
Bunsod ng insidente ay pinalakas ng PNP ang mobile at visibility patrol habang nagpakalat din ng karagdagang Motorized Anti-Street Crime Operatives (MASCO) na pantapat sa mga kriminal na gumagamit ng motorsiklo.
Samantala, lumilitaw din sa imbestigasyon ng PNP na karaniwan nang alas-2 hanggang alas-5 ng hapon nagaganap ang ilang insidente ng robbery/holdup, partikular na sa Metro Manila na puntirya ng mga ganitong uri ng kawatan.
- Latest
- Trending