^

Metro

Motorcycle lanes palalawakin

- Nina Da­nilo Garcia at Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Plano ng Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) ang paglalagay ng “motorcycle lanes” sa kaha­baan ng EDSA at C-5 Road.

Ito ang inihayag ni MMDA Chairman Francis Tolentino ngunit ito ay mangyayari lamang kung magiging epektibo ang motorcycle lanes sa Commonwealth at Macapagal Avenue­.

Kung mangyayari umano ito, maaaring palipasin pa muna nila ang Disyembre dahil sa inaasahang magiging napakasikip ng daloy ng trapiko sa panahon ng Kapaskuhan.

Sa kasalukuyang pagtaya ng MMDA, umaabot sa 220,000 na iba’t ibang uri ng sasakyan ang tumatahak araw-araw sa kahabaan ng EDSA at ilang daan pa sa C-5 Road kaya’t nararapat lamang na maglagay din sila rito ng motorcycle lane upang mabawasan din ang nagaganap na aksidente.

Umaabot na sa higit 1,000 motorcycle riders ang nadada­kip ng MMDA at pinasasailalim sa seminar sa motorcycle safety kung saan nadagdagan pa ito kahapon sa ikalawang araw ng implementasyon nito.

Pasisimulan lamang ng MMDA ang pag-iisyu ng traffic citation ticket sa mga lalabag sa motorcycle lane sa Oktubre 24 matapos ang isang linggong pagbibigay ng impormasyon.

Inulan naman ng reklamo ang MMDA sa mga nahu­ling nagmomotorsiklo dahil sa umano’y kakulangan ng impormasyon, kakulangan ng signages, lubak-lubak na kalsada na takaw semplang at pagtalaga sa lane na katabi ng mga bus sa Commonwealth Avenu­e na labis na mapanga­nib sa aksidente sa mga walang disiplinang bus drivers.

Samantala, nilagyan na ng MMDA ng asul na pintura ang kalsada sa 4th lane sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City para madaling makita na magsisilbing motorcycle lane.

Nagsisimula ito mula Philcoa hanggang sa pagkalagpas ng Tandang Sora bago sumapit sa tapat ng Sandiganbayan sa Commonwealth.

Sinabi naman ni Maximo Dilla, MMDA Supervisor ng Commonwealth Special traffic zone, pag-aaralan nila ang asul kung visible ba ito sa mga motorcycle driver kahit gabi.

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

COMMONWEALTH AVENU

COMMONWEALTH AVENUE

COMMONWEALTH SPECIAL

MACAPAGAL AVENUE

MAXIMO DILLA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHO

MMDA

MOTORCYCLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with