MANILA, Philippines - Inaprubahan na ng Quezon City Council sa pamumuno ni QC Vice Mayor Joy Belmonte ang ordinansa na aamienda sa QC revenue code na layung dagdagan ng .5 percent tax ang mga lupa na ang assessed value ay lampas ng halagang P100,000.
Ang City ordinance S-2011 ay tinawag na Socialized Housing Tax of QC. Ang anumang pondo na makokolekta ng Treasurers Office sa ilalim ng naturang ordinansa ay gagamitin sa land purchase, pagpapaganda sa ginagawang socialized housing facilities, land development at pagtatayo ng core houses, sanitary cores, medium rise buildings at iba pang katulad na structures.
Sa ilalim nito, ang mga taxpayers na magbabayad ng special assessment tax na itinakda ng naturang ordinansa ay may tax credit makaraan ang limang taong patuloy na pagbabayad sa kanilang buwis o taxpayer na may magandang rekord na sinertipikahan ng City Treasurer at City Assessor.