E-Dalaw, palalawakin pa ng BJMP
MANILA, Philippines - Matapos mailunsad ang e-Dalaw o electronic dalaw sa Quezon City jail, target na rin ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na gawing hi- tech din ang iba pang kulungan sa bansa.
Ayon kay BJMP Director Rosendo Dial, katuwang ng ahensiya ang Office of the Solicitor General at nangangalap na sila ngayon ng karagdagang pondo para mapalawak pa ang tinatawag na e-Dalaw.
Sa pamamagitan ng e-Dalaw, maaari nang mabisita, makita at makausap ang isang preso ng kanilang mga kaanak sa internet. Sa ngayon, umaabot na sa 65,000 inmates ang nasa pamamahala ng BJMP.
Sa datos ng ahensya, ang National Capital Region ang may pinakamaraming bilang ng bilanggo na umabot na sa 19, 000 at pinakamarami dito ay nasa Manila city jail.
Bukod sa mga kulungan na nasa ilalim ng BJMP, target din na lagyan ng computer at magkaroon ng e-Dalaw sa maximum compound ng New Bilibid Prison.
- Latest
- Trending