^

Metro

Mister niratrat sa harap ng bahay

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot sa harap ng kanyang bahay ang isang technician makaraang pagba­barilin ng hindi nakikilalang salarin habang nagpapahangin sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala sa mukha at katawan ay kinilalang si Rufino Santos Jr., 30, ng Kaunlaran St., Brgy. Commonwealth sa lungsod .

Bukod dito, isang 16-anyos­ na dalagita na nakilalang si Mary Ann Bautista ang na­sugatan din matapos na ta­maan ng ligaw na bala sa kanang hita at binti.

Ayon sa ulat ng pulisya, nangyari ang insidente sa may harap ng bahay ng biktima pasado alas-11:00 ng gabi.

Sinabi ni Marissa, asawa ng nasawi na nagpaalam lamang umano sa kanya ang asawa na magpapahangin sa labas ng kanilang bahay at makalipas ng ilang minuto ay nakarinig na lang siya ng mga putok ng baril mula dito.

Agad na lumabas si Marissa kung saan bumulaga sa kanyang harapan ang walang buhay na duguang katawan ng asawa habang nakasubsob sa labas ng kanilang bahay.

Wala namang gustong magsalita sa mga residente kung sino ang may kagagawan ng naturang pamamaril.

Patuloy ang pagsisiyasat ng awtoridad sa nasabng in­sidente.

vuukle comment

AYON

BRGY

BUKOD

KAUNLARAN ST.

MARISSA

MARY ANN BAUTISTA

PATULOY

QUEZON

RUFINO SANTOS JR.

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with