^

Metro

Police informer itinumba

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Itinumba ng hinihinalang miyembro ng sindikato ng iligal na droga ang isang lalaki na nagsisilbing asset ng pulisya makaraang pagbabarilin ito sa ulo, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Dead-on-the-spot dahil sa tinamong mga tama ng bala sa ulo ang biktimang nakilalang si Allan Alejandrino, 39, at dating naninirahan sa Block 15 Lot 10 Atis St., ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Pasay City Police, naganap ang pamamaril dakong alas-10:40 ng gabi sa may Kamagong St., Barrio Sto. Niño, sa naturang lungsod. Nakasilong sa tapat ng isang tindahan sa naturang lugar ang biktima habang bumubuhos ang ulan nang dalawang putok ng baril ang umalingawngaw.

Natagpuan na lamang ng mga residente ang biktima na duguang nakalugmok sa basang kalsada.

Sa nakalap na impormas­yon ng pulisya, napag-alaman na si Alejandrino ang naging susi sa pagkakadakip sa isang kilalang drug pusher sa Barrio Sto. Niño kaya’t malaki ang posibilidad na niresbakan siya ng sindikato.

ALEJANDRINO

ALLAN ALEJANDRINO

ATIS ST.

BARRIO STO

ITINUMBA

KAMAGONG ST.

NAKASILONG

NATAGPUAN

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with