3 miyembro ng 'Gapos gang', arestado

MANILA, Philippines - Tatlong miyembro ng “Gapos Gang” ang nasakote ng pulisya matapos looban ang bahay ng isang negosyante sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang mga suspek na sina Michael Gonzales 20; Rommel Formento 19, at Ronald Maguyon 37, pawang taga- Bagong Silang ng nasabing lungsod.

Dakong alas-10:30 ng gabi nang maaresto ang mga suspek sa kanilang safe house sa Phase 2, Brgy. 176, Bagong Silang, Caloocan City .

Base sa record ng pulisya, Sept. 28, 2011, dakong alas-3:00 ng madaling-araw nang pasukin ng mga suspek sa pamumuno ni Bong Aquino at isang “alyas Ogie” ang Princess Store na pag-aari ni April Balti, sa Phase-2, Kanison Avenue, Bagong Silang.

Ginapos ng mga suspek ang biktima saka tinangay ng mga ito ang cash at mahahalagang gamit ng huli.

Kamakalawa ay nalaman ng asset ng mga pulis ang safehouse ng mga suspek na nang salakayin ay nagresulta sa pagkaaresto sa mga suspek, subalit wala ang pinuno ng mga ito na sina Aquino at alias Ogie.

Show comments