3 tiklo sa tuko

MANILA, Philippines - Nasabat sa isinagawang checkpoint ng Manila Police District-Station 3 ang tatlong lalaki na may ibinibiyaheng mga tuko sa Quiapo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Dakong ala-1:00 ng madaling-araw nang sitahin at arestuhin ang mga suspect na sina Mark Soliven, 37, negosyante; Efren Regino, 52, at Enrico Pendon, 42, habang binabagtas umano ang Quezon Bridge.

Ininspeksiyon umano ang “tinted” na Suzuki mini van (YHP 458) ng mga suspect at natuklasang expired na ang rehistro kung saan namataan din ang isang improvised cage na naglalaman ng 11 piraso ng tuko o “Tokai Gecko”.

Ipinagharap na ng kasong paglabag sa RA 9147 (Wildlife Resources Conservation and Protection Act of 2001) dahil ipinagbabawal ang pag­huli into.

Show comments