Biggest looser winner gagawing modelo ng PNP sa pagpapapayat

MANILA, Philippines - Gagawing modelo ng Philip­pine National Police (PNP) ang grand winner sa ‘Biggest Looser­ Pinoy Edition’ ng ABS-CBN na si Larry Sienno Martin para makapagpapayat ang mga ‘overweight ‘ o matatabang pulis lalo na ang mga tinaguriang may ‘beer belly’.

Ayon kay PNP Chief Director General Nicanor Bartolome, nakikipag-ugnayan na ang PNP kay Martin na isa palang dating pulis na kusang nag-resign matapos itong mabigong makatugon sa 34 inch waist line na ipinatupad sa ilalim ni dating PNP Chief at ngayo’y Senador Panfilo Lacson.

Si Larry, 36, taga Camarines Sur at dating pulis ay lumahok sa ‘Biggest Looser Pinoy Edition’ sa hanga­ring maibalik ang respeto at tiwala sa sarili, gayundin para makabalik sa serbisyo sa PNP.

Sinabi ni Bartolome na may nakatakda na silang pakikipagkita kay Martin para mahingan ng tulong ang da­ting 255 pound biggest looser winner sa pagbabawas ng tiyan at timbang ng mga ‘overweight ‘ na pulis.Tumi­timbang na lang siya ngayon ng 155 pounds.

Show comments