^

Metro

5 miyembro ng 'Martilyo gang', arestado

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Limang pinaniniwalaang miyembro ng “Martilyo gang” na res­ponsable sa panghoholdap sa isang jewelry store kamakalawa sa Recto, Maynila ang nadakip ng mga tauhan ng Manila Police District-Homicide Section sa pakikipagtulu­ngan ng Southern Police District-District Intelligence Division Special Operation Unit, sa kanilang hide-out sa Maharlika Village Taguig City, Biyernes ng hapon.

Ito’y matapos na positibong kilalanin ng anim na saksi ang  lima sa pitong security guard na inimbitahan at dinala sa Homicide Section.

Kinilala ang mga ito na sina Muktar Agao, 31, driver sa isang fastfood restaurant; Abuber Abdulkador, 29, security guard sa Tiger security agency na nakatalaga sa National Food Authority (NFA) outlet sa Taguig City; Mark Kalama, 22; Ben Panday, 22; at  Sadam Mato, 19.

Sinabi ni MPD-Ho­micide Section chief, Senior Insp. Joey de Ocampo, nang iturn-over sa kanila ang na­arestong suspect na si Basir Basilon ang isa sa suspect na nag­hagis ng granada sa na­sa­bing holdapan, ikinanta nito ang mga kasamahang tumakas.

Tinutugis pa nila ang dalawa pang suspect na nakatakas sa insidente.

Matatandaang tatlo katao ang nasawi sa insidente habang siyam ang sugatan.

Una nang sinabi ni De Ocampo na huwag munang ilabas ang mga larawan at pa­ngalan ng mga inim­bitahang suspect hangga’t walang nagdidiin o kumikilala sa kanila na responsable sa panghoholdap sa Sister’s Jewelry Store, sa Rizal Ave. at C.M. Recto Avenue, sa Sta. Cruz, Maynila noong Huwebes ng hapon.

 Ang nasabing lugar ay hurisdiksiyon ng MPD-Station 11, na nasasakupan ni P/Senior Supt. Ferdinand Quirante, na hindi umano nakita ang anino­ sa crime site nang mga oras na iyon.

ABUBER ABDULKADOR

BASIR BASILON

BEN PANDAY

DE OCAMPO

FERDINAND QUIRANTE

HOMICIDE SECTION

JEWELRY STORE

MAHARLIKA VILLAGE TAGUIG CITY

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with