^

Metro

Matatanda libre sa LRT ngayong araw

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ng pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na bibigyan nila ng libreng sakay ngayong araw ng Sabado (Oct. 8) ang mga matatanda o mga senior citizens sa bansa.

Ayon kay LRTA Administrator Rafael Rodriguez, ang pagbibigay ng libreng sakay sa mga senior citizens ay bilang tugon sa kahilingan sa kanila ng Department of Social Welfare and Develop­ment (DSWD) bunsod ng pagdiriwang ng “Elderly Filipino Week”.

Sinabi ni Rodriguez, ka­ilangan lamang na magpakita ng senior citizens card ang sinumang nais sumakay ng libre sa LRT Line 1 mula sa Baclaran­-Roosevelt at LRT Line 2 na mula sa Recto-Santolan.

Hinikayat ni Rodriguez ang mga matatanda na samantalahin ang nasabing pagkakataon na ibinibigay para sa kanila.

ADMINISTRATOR RAFAEL RODRIGUEZ

AYON

BACLARAN

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOP

ELDERLY FILIPINO WEEK

HINIKAYAT

INIHAYAG

LIGHT RAIL TRANSIT AUTHORITY

RECTO-SANTOLAN

SABADO

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with