Dalagita ni-rape slay sa loob ng truck

MANILA, Philippines - Bigo ang isang junk shop owner na maitago ang krimen nang may makadiskubre sa isinako nitong bangkay ng ni-rape na dalagita na isinama ng una sa mga scrap materials na itatapon na sa Port Area, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni MPD-Ho­micide Section chief, Senior­ Insp. Joey de Ocampo ang biktimang si Ronalyn Calmateo, isang out-of-school youth at residente ng Kakahuyan, Gate 4, South Harbor, Maynila.

Nadakip naman ang suspect na si Romeo Perol Jr., 43, may-ari ng isang junkshop sa 20th St., Brgy. 649, Port Area, Maynila, habang papatakas na sakay ng kanyang bisikleta.

Sa ulat ni PO2 Jose Gumilan, dakong ala-1:45 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa loob ng truck van na nakaparada sa Railroad St., Port Area.

Pahayag ng isang Edjem Babor, 26, truck helper ng RRI Trucking, may na­rinig siyang boses ng babae na sumisigaw sa loob ng nakaparadang van (BBK 798) kaya tinanong niya umano ang suspect kung may tao sa loob ng van at sinagot naman siya na ‘walang tao dito’, habang papalabas na umano ang suspect ng van.

Nang umalis na ang suspect ay pinasok ni Babor ang van subalit sa dilim doon ay nagpasama ito sa isang Kagawad Nelia Morales at nang balikan ay nadiskubre ang malaking sako na natatabunan ng scrap materials na kinala­lagyan ng bangkay ng biktima.

Mabilis naman na nagtungo ang iba pang ba­rangay kagawad sa bahay ng suspect at mabilis siyang naaresto habang papatakas sakay ng bisikleta.

Markado ng sakal ang leeg ng biktima.

Show comments