^

Metro

Indian national, pumalag sa holdap, inutas

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang isang 55-anyos na Indian national nang paulanan ng putok ng riding-in-tandem, habang nasa kritikal na kondisyon naman ang dumaraang naka-motorsiklong traffic enforcer sa Sampaloc, Maynila, kahapon ng hapon.

Sa sketchy report, isang tama ng bala sa ulo ang ikinasawi ng biktimang si Gurdial Singh, residente ng Simoun St., La Loma, Quezon City.

Inoobserbahan naman sa Gat Andres Memorial Medical Center ang nadamay lamang na si Edmundo Gonzales, ng Manila Traffic & Parking Bureau (MTPB) na tinamaan ng bala sa leeg at lumagos sa batok.  

Dakong alas-12:00 ng hapon nang maganap ang insidente sa panulukan ng Amoranto at Blumentritt Sts. Ibarra at Retiro Sts., Sampaloc­.

Nabatid na galing sa paniningil ng pautang sa palengke ng Blumentritt ang biktimang si Singh nang abangan ng mga suspect.

Nakipag-agawan pa umano ang biktima nang pilit na inaagaw ng mga suspect ang kanyang belt bag na naglalaman ng salapi. Dahilan ito upang paputukan siya ng isa sa suspect at nang ma­saksihan ng naka-motor­siklong si Gonzales ang insidente ay binaril din siya ng suspect.

vuukle comment

BLUMENTRITT STS

EDMUNDO GONZALES

GAT ANDRES MEMORIAL MEDICAL CENTER

GURDIAL SINGH

LA LOMA

MANILA TRAFFIC

PARKING BUREAU

QUEZON CITY

RETIRO STS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with