1 suspect sa Venson Evangelista slay, absuwelto

MANILA, Philippines - Inabsuwelto ng Quezon City Regional Trial Court (QC-RTC) ang isa sa mga suspek sa pagkarnap at pagpatay sa car dealer na si Venson Evangelista na ang itinuturong utak ay ang magkapatid na Roger at Raymund Dominguez sa kasong ito.

Pinawalang sala ni QC RTC Branch 215 Judge Maria Luisa Padilla si Alfred Mendiola, alyas bading habang pinagtibay naman ng naturang hukom ang pagiging witness nito.

Ayon kay Public Prosecutor Ramoncito Ocampo, pumasa sa lahat ng court requirements sa pagiging state witness ni Mendiola kayat nakalusot ito sa pagiging isa sa mga akusado na kinabibilangan ng magkapatid na Roger at Raymond Dominguez at Jayson Miranda.

Samantala isang motion for reconsideration naman ang balak ihain ng abogado ng depensa na si Atty Oscar Raro ukol sa ibinababang Order for Discharge kay Alfred Mendiola bilang akusado.

Show comments