Prostitution, pot session sa mga bahay-aliwan lumalala

MANILA, Philippines - Tumutugma ang tinuran ni US Ambassador Harry Tho­mas na pawang sex lamang sa bansa ang pakay ng mga turistang Kano at iba pang lahi dahil sa inutil ang mga opisyal ng lokal na pamahalan at iba pang law enforcement agency na sugpuin ang lantarang putahan sa mga bahay-aliwan sa kahabaan ng Roxas Blvd. sa Pasay City at Parañaque City.

Halos nakagapos ang mga kamay ng mga tauhan ng NBI, CIDG, at PNP na sugpuin ang prostitusyon at malalaswang panoorin sa mga bahay-aliwan sa na­ banggit na lungsod partikular na ang ilang videoke bar na dinarayo ng mga turistang Kano malapit sa Redemp­torist Church sa Baclaran.

“Papaanong mabubuwag ang mga bahay-aliwan na lantarang putahan sa Bac­laran partikular na sa Air­port Road kasi may lingguhang payola upang ang mga tiwaling opisyal ng pu­lisya sa Southern Police District Office, National Capital Region at sa Camp Crame,” pahayag ng source na ma­pagkakatiwalaan.

Ayon pa sa source, sumusuka ng P50,000 bawat buwan ang bahay-aliwan para lamang ipamudmod sa mga pulis upang hindi maistorbo ang lantarang negos­yong putahan (prostitution).

Nabatid din sa source na ginagawang pot session ng mga dayuhan ang mga VIP room na nangangamoy se­milya sa mga bahay-aliwan sa Roxas Blvd. kung saan pinapayagan naman dahil sa malaking halaga ang kapalit.

Binanggit din ng source, ang bahay-aliwan na Asean KTV kung saan may ilang metro lamang ang layo sa nabanggit na simbahan na sinasabing pikit-mata ang lokal na pamahalaan ng Parañaque City, kapulisan sa SPD at Camp Crame na buwagin ang lumalang prostitution dahil sa lingguhang payola na ibinibigay ng may-aring Hapones.

Karamihan sa mga ma­nager na sinasabing bugaw ng mga kababaihang ni-rek­rut­ pa sa Mindanao mula sa ipinasarang bahay-aliwan sa Harrison Street sa Pasay City ay naglipatan sa nasabing KTV.

Show comments