Pamangking senglot tinodas ng tiyuhin

MANILA, Philippines - Isang 24-anyos na lalaki na sinasabing pasaway sa kanyang pamilya ang iniulat na napaslang matapos sak­sakin ng kanyang tiyuhin sa tapat ng kanilang bahay sa Sampaloc, Maynila, kahapon ng umaga.

Namatay sa dalawang saksak sa dibdib habang ginagamot sa Ospital ng Sampaloc si Joe Marie de Leon ng #3447 San Jose Street, Sampaloc.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspect na si Federico S. de Leon, 56, may-asawa at residente rin ng nasabing lugar.

Sa ulat ni SPO2 Benito Cabatbat ng Manila Police District-Homicide Section, d kong alas-7 ng umaga nang magising ang suspect at na­ irita nang makitang nag-iinu­man pa rin ang kanyang pamangkin at mga kaibigan kaya pinagsabihan ito na ilig­pit na ang lamesa.

Sa halip na tumigil ay tinalikuran ang tiyuhin at bumili pa ng yelo sa tindahan subalit nang bumalik ay na­galit ang biktima dahil iniligpit na ng suspect ang mga bote ng alak at lamesa.

Nauwi sa mainitang pagtatalo ang dalawa hanggang sa tuluyang mag-init ang tiyu­hin at saksakin sa dibdib ang biktima.

Show comments